web statistics

Mga makikita at mabibili sa Divisoria

1. Kung malapit ka lang sa Divisoria, mas maganda dahil pwede mo na lang ito lakarin. Kung malayo naman kailangan mong sumakay na jeep na ang biyahe ay papuntang divisoria.

2. Marami kang makikita at mabibili sa Divisoria. Dito mo makikita ang ibat ibang uri nang paninda, magaganda at mura.

3. Ang divisoria ay sikat na pamilihan nang masa at ang divisoria ay sikat sa buong metro manila dahil sa mga murang bilihin dito. Dahil sa mga mura nang mga paninda dito , marami ka nang mabibili at marami kadin mapag pipilian.

4. Tulad nang mga sapatos. Maraming sapatos dito na makikita sa mga bangketa na magaganda at ibat ibang klase ang mga disenyo, at siguradong makakapamili ka. Mga tsinelas din ay meron pang bata man o matanda.

4. Meron din na mga damit, ma nag gagandahan merong mga pang kasal, pang debut, pang opisina, pamasok sa skwela, pang ordinaryong pang lakad at mga pormal na damit. Mga pantalon, shorts, palda.

5. Makaka kita din nang mga nais na bag na may tatak na Louis Viton, Gucci, Prada, Channel, Lacoste, at kung anu pa na hindi man kamahalan pero maganda ang pag kakagawa nang mga ito. At ang tawag sa mga ito ay class A o immitation nang mga orihinal na gawa.

6. Mga laruan na pang bata, tulad nang mga manika, baril at marami pa. Mga kagamitan sa bahay. Mga kurtina, telon, at mga aplayanses.

7. Pwede maka bili dito nang maramihan o tingi o isahan lang. Makakabili din dito sa divisoria nang mga murang bilihin tulad nang mga pagkain, manok, isda gulay. Dahil may palengke na naka hiwalay para sa mga pagkain at para sa mga gamit tulad nang mga damit.

8. Meron din na malapit na mall dito ito ay ang tutuban mall at 168 shopping mall. Sa tutuban mall ay makaka kita din nang ibat ibang uri nang mga paninda. Dito makakakita nang mga bilihan nang cellphone, computer o laptop, p.s.p at iba pang mga gadgets.

9. Sa loob din nang tutuban mall makikita ang ibat ibang franchise. Sa itaas din nito mayron itong food court, at meron din itong amusement park.

10. Maraming makikita sa divisoria at murang bilihin. Dahil sa bagsak presyo makikita din na maraming mga tao ang nag pupunta dito.

11. Pag sapit nang gabi nag kakaron din sila nang midnight sale o mas mababa na ang presyo nang kanilang mga paninda.

12. Mayroon din na malapit na simbahan lang na makikita dito sa divisoria at ito ay ang ” Tondo Cathedral”. At eskuwelahan na “Holy Child elementary and high school”.

13. Mayroon din na mga makikita na kainan sa divisoria na matatagpuan sa gilid nang tutuban mall. Na masarap at marami din mapag pipilian at mura pa.

14. Masarap mag punta at mamili sa divisoria dahil marami kang makikita na mga magagandang bilihin at mura pa at makakapamili din.

15. Kapag ikaw ay maraming reregaluhan, sa divisoria lang ay marami ka nang mabibili sa 1000 na pera mo may sukli ka pa. Marami kang pwedeng makita at mabili isama mo pa ang iyong pamilya, kaibigan, o kamag anak. At naka pamasyal ka pa.

16. Meron din na malapit na sakayan nang jip sa divisoria. At madali lang makasakay dahil naka pila lang ang mga sasakyan at madali mong makikita ito.

Comments are closed.